Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong
sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ginagamit
mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mga tanong na di mawari sa aking
isipan.
Bilang isang tao binigyan tayo ng isipan ng Panginoon upang
gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga
tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa
paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga baya-bagay katulad
nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay
nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon.
Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa
bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa
katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa
kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na
gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit
ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang
kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika
ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang
ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga
tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling
wika. Nasa atin na ang desison kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo
sa mga ganitong bagay daahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam
kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa
gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.
Si
Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Siya ang
nangunang maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong
wika dit sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog, at
iba pa. Maram tayong iba't-ibang wika dahl sa archepilagong hugis ng
ating bansa . layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi
madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na
pumili at agtalaga n aing sariling Wika dahil maraming hindii desidido
at hindi sang-ayon nito. Hanggang nakapagdesisyon n ang madla na nnag
magiging Wikan Pambansa ay ang Wikang Filipino.
Tuwing Agosto
ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa
tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating
kasaysayan kung paano nabo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang
bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba't-ibang patimpalak isa isa na
rito anng tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang io
maas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahhalagahan ng Wikang
Filipino. Hiindii lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat
araw-araw dahil ginagami natin ang ating wika bawat segundo. minuto at
araw sa ating buhay.
No comments:
Post a Comment